Ngayon lang naging ganito kadali ang paglilibot sa Bayview-Hunters Point!

Maglibot sa iyong kapitbahayan at kumonekta sa mga pangunahing transit hub sa pamamagitan ng Bayview Shuttle.

0t2y6tzy_qr_code logo

I-scan upang makapag-download

Tulad ng isang pinagsasaluhang taxi, ngunit mas mahusay pa.

Nagbibigay ang Bayview Shuttle ng ligtas, abot-kaya, at naibabagay na transportasyon para sa komunidad ng Bayview & Hunters Point.

digital_SFMTA-Bayview_Service Expansion Map_POIs

Ang Bayview Shuttle ay isang serbisyo sa pampublikong sasakyan na magagamit kapag kailangan. Sumakay sa isang ligtas, komportableng biyahe sa paligid ng Bayview at Hunters Point, o kumonekta sa mga istasyon ng BART, Muni, at Caltrain. Hindi na kailangang gumawa ng iskedyul — dumarating ang Bayview Shuttle kapag tumawag ka, at susunduin ka sa mainam na lugar na malapit sa iyo.

Presyo

Pagsakay ng indibidwal
$2.85
Nadiskwentuhang mga pagsakay para sa mga senior, mga mananakay na may kapansanan, at mananakay na may Clipper START card
$1.40
Kabataan na edad 18 pababa
Libre
Mga pasahe sa pampublikong transportasyon
Iba-ibang halaga, higit pang mga detalye ang makikita rito

Mga oras ng serbisyo

Lunes - Biyernes: 6am - 8pm
Sabado - Linggo: 9am - 6pm

Mga madaling paraan ng pagbabayad

  • Pagbabayad sa On-board Clipper
  • MuniMobile app
  • Mga pasahe sa pampublikong transportasyon

Kadaliang puntahan

May magagamit na mga sasakyang naa-access ng wheelchair.

May magagamit na mga sasakyang naa-access ng wheelchair.

3 madaling hakbang para makasakay nang mabilis.

SFMTA-Bayview_HowToRide_anim_Step01

1. Gumawa ng account

I-download ang Bayview Shuttle app mula sa iyong gustong app store at sundin ang mga simpleng hakbang sa pag-signup.

47715155-0-app-store 47715150-0-play-store
SFMTA-Bayview_HowToRide_anim_Step02_1

2. Mag-book ng pagsakay

Ilagay ang adres kung saan ka susunduin at ibababa. Piliin ang sasakyan na angkop para sa iyo sa pamamagitan ng pag-tap sa Book ride.

*I-tap ang accessibility icon sa iyong profile para humiling ng wheelchair accessible vehicle (WAV).

SFMTA-Bayview_HowToRide_anim_Step03

3. Makipagkita sa iyong driver

Tingnan ang app para malaman kung saan eksaktong makikita ang sasakyan. Maaaring kailangan mong maglakad nang sandali mula sa iyong kinaroroonan, ngunit ito ay nagpapabilis ng paglalakbay.

Walang smartphone? Walang problema.

Mag-book ng biyahe sa pamamagitan ng pagtawag sa 415-873-1801.

Ibigay sa ahente ang iyong pickup at dropoff na address. Pagkatapos, sasabihin sa iyo ng ahente ang tinatayang oras ng pagsundo at impormasyon ng sasakyan para sa iyong biyahe. Ipapakita rin nila kung saan mo makikita ang iyong driver.


Subukan ang iyong unang biyahe ngayon.

 May anumang mga katanungan?
Mag-email sa amin sa [email protected]
Gusto mo bang magmaneho para sa amin?

Mahuhulaang kita, maiaayos na iskedyul. Kumita ng hanggang $28.26/oras habang nagmamaneho sa Via. Handa nang sumali sa aming pandaigdigang komunidad ng Driver Partners?

Mag-aplay na ngayon

Mga madalas itanong

Paano gumagana ang serbisyo?

Impormasyon ng Account

Impormasyon sa pagsakay

Impormasyon sa pagbabayad

Mga pangkalahatang patakaran

Ang Bayview Shuttle ay bahagi ng California Climate Investments, isang pang-estadong inisyatiba na gumagamit ng bilyun-bilyong dolyar mula sa Cap-and-Trade upang bawasan ang mga emisyon ng greenhouse gas, palakasin ang ekonomiya, at pagbutihin ang pampublikong kalusugan at kalikasan—lalo na sa mga pamayanang nasa kahirapan.

CARB_logo-2

 

CCI_logo_tagline-2

 

SFMTA_Logo_Color_Web-2