Ngayon lang naging ganito kadali ang paglilibot sa Bayview-Hunters Point!
Maglibot sa iyong kapitbahayan at kumonekta sa mga pangunahing transit hub sa pamamagitan ng Bayview Shuttle.
I-scan upang makapag-download
Lahat ng pagsakay ay LIBRE hanggang Disyembre 11, 2024!
Nagbibigay ang Bayview Shuttle ng ligtas, abot-kaya, at naibabagay na transportasyon para sa komunidad ng Bayview & Hunters Point.
Ang Bayview Shuttle ay isang serbisyo sa pampublikong sasakyan na magagamit kapag kailangan. Sumakay sa isang ligtas, komportableng biyahe sa paligid ng Bayview at Hunters Point, o kumonekta sa mga istasyon ng BART, Muni, at Caltrain. Hindi na kailangang gumawa ng iskedyul — dumarating ang Bayview Shuttle kapag tumawag ka, at susunduin ka sa mainam na lugar na malapit sa iyo.
Presyo
Mga oras ng serbisyo
Lunes - Biyernes: 7am - 7pm
Sabado - Linggo: 10am - 6pm
Mga madaling paraan ng pagbabayad
- Pagbabayad sa On-board Clipper
- MuniMobile app
- Mga pasahe sa pampublikong transportasyon
Kadaliang puntahan
May magagamit na mga sasakyang naa-access ng wheelchair.
May magagamit na mga sasakyang naa-access ng wheelchair.
3 madaling hakbang para makasakay nang mabilis.
1. Gumawa ng account
2. Mag-book ng pagsakay
Ilagay ang adres kung saan ka susunduin at ibababa. Piliin ang sasakyan na angkop para sa iyo sa pamamagitan ng pag-tap sa Book ride.
*I-tap ang accessibility icon sa iyong profile para humiling ng wheelchair accessible vehicle (WAV).
3. Makipagkita sa iyong driver
Tingnan ang app para malaman kung saan eksaktong makikita ang sasakyan. Maaaring kailangan mong maglakad nang sandali mula sa iyong kinaroroonan, ngunit ito ay nagpapabilis ng paglalakbay.
Walang smartphone? Walang problema.
Ibigay sa ahente ang iyong pickup at dropoff na address. Pagkatapos, sasabihin sa iyo ng ahente ang tinatayang oras ng pagsundo at impormasyon ng sasakyan para sa iyong biyahe. Ipapakita rin nila kung saan mo makikita ang iyong driver.
Mag-email sa amin sa [email protected]
Mahuhulaang kita, maiaayos na iskedyul. Kumita ng hanggang $28.26/oras habang nagmamaneho sa Via. Handa nang sumali sa aming pandaigdigang komunidad ng Driver Partners?
Mag-aplay na ngayonMga madalas itanong
Paano gumagana ang serbisyo?
Ang serbisyo ng shared ride microtransit na ito ay nagpapatakbo mula sa bawat kanto sa halip na mula sa bawat pinto. Nangangahulugan ito na maaaring kailanganin mong maglakad ng maikling distansya papunta sa kung saan ka susunduin. Upang mapanatiling maayos at mahusay ang mga bagay-bagay, itatalaga ka ng aming sistema sa isang 'virtual bus stop' - na mga lugar na sakayan at babaan na karaniwang nasa malapit na kanto. Ganito kami nakakakuha ng maraming pasahero nang hindi nagdaragdag ng matagal na panahon sa paglalakbay ng bawat mananakay.
Lahat ng sasakyan ay may tatak ng logo at kulay ng serbisyo, kapareho ng imahe na ipinapakita sa itaas, upang madaling makita ang mga ito.
Ito ang mga lokasyon na sa tingin namin ay magiging sikat na panggagalingan at destinasyon para sa mga pagsakay. Piliin ang mga ito upang madaling makapili kung saan ang kailangang mong puntahan o pagmulan.
Oo naman! Maaari kang mag-book ng mga biyahe para sa iyo at sa sinumang karagdagang mga pasahero. Lahat ng karagdagang pasahero ay sisingilin ayon sa seksyon ng presyo sa pahinang ito at magbabayad ka para sa lahat ng biyahe gamit ang parehong paraan ng pagbabayad.
Ang mga katulong na hayop ay maaaring sumakay anumang oras nang walang paghihigpit. Ang mga Driver Partner ay may legal na obligasyon na magbigay ng serbisyo sa mga mananakay na may mga katulong na hayop. Kung ikaw ay isang mananakay na naglalakbay nang may kasamang katulong na hayop at gusto mong iulat ang anumang isyu na iyong naranasan na may kaugnayan sa iyong katulong na hayop, mangyaring magpadala ng email sa aming pangkat ng suporta sa email na nakalista sa itaas at ipaliwanag ang sitwasyon.
Ang mga alagang hayop na hindi mga katulong na hayop ay pinapayagan din, ngunit ang mga alagang hayop ay dapat itago sa isang lalagyan na inaprubahan ng airline upang magamit ang serbisyo.
Pinahihintulutan ng ilang mga serbisyo ang maagang pagbo-book ng pagsakay. Kung available, makikita mo ang opsyong ito kapag humihiling ng pagsakay sa app.
Impormasyon ng Account
Pumunta sa menu sa kaliwang sulok sa itaas ng app at i-tap ang iyong pangalan sa itaas. Pagkatapos ay i-tap ang iyong pangalan, email o numero ng telepono upang i-update ito.
Buksan ang app at piliin ang 'Get Started (Magsimula).' Sa kahon ng password, piliin ang 'Forgot your password? (Nakalimutan ang iyong password?)' at sundin ang mga sasabihing gawin.
Pumunta sa menu sa kaliwang sulok sa itaas ng app at i-tap ang 'Favorites (Mga Paborito)', pagkatapos ay i-tap ang 'Set Home Address (Itakda ang Adres ng Bahay)', 'Set Work Address (Itakda ang Adres ng Pinagtatrabahuhan)', o gumawa at pangalanan ang isang bagong paborito. Kapag na-save mo na ang mga paboritong adres, lalabas ang mga ito bilang mga mabilisang opsyon sa home screen, na ginagawang mas madali ang pag-book ng mga pagsakay!
Pumunta sa menu sa kaliwang sulok sa itaas ng app at i-tap ang iyong pangalan o larawan sa profile sa itaas. Pagkatapos ay i-tap ang ‘Delete my account (Tanggalin ang aking account)’ sa ibaba ng pahina. Kung gusto mong hilingin na tanggalin ang iyong datos, maaari kang mag-email sa pangkat ng suporta ng Via sa [email protected].
Impormasyon sa pagsakay
Sa sandaling magsimula ka ng biyahe, hindi na mababago ang destinasyon. Kung hindi ka pa nakakasakay sa sasakyan, maaari mong kanselahin ang biyahe at muling mag-book gamit ang bagong adres kung saan ka susunduin o ang destinasyon.
Minsan, kung nakararanas kami ng mataas na pangangailangan sa iyong lugar, maaaring walang anumang sasakyan o driver na kasalukuyang magagamit para serbisyuhan ang iyong pagsakay. Kung puwedeng baguhin ang iyong mga plano sa paglalakbay, maaari mong subukang humiling muli ng biyahe pagkatapos ng ilang minuto. Pakitandaan, hindi mapapataas ng pagtawag ang iyong kakayahang mag-book ng biyahe dahil ang aming mga ahente ay may parehong kakayahan tulad mo sa pag-book sa app.
Kapag nakumpirma na ang isang biyahe, makikita mo ang tinantyang oras ng pagdating (ETA) ng iyong driver sa app. Maaari mong subaybayan ang lokasyon ng iyong driver sa aktuwal na oras para malaman mo kung nasaan siya. Bibigyan ka ng app ng mga direksyon patungo sa iyong “virtual bus stop” na maaaring maiksing lakad ang layo. Sundin lang ang may tuldok na linya para makarating sa eksaktong lugar kung saan ka susunduin!
Muling i-book ang iyong biyahe nang direkta sa iyong app, at pagkatapos ay mangyaring magpadala ng email sa aming pangkat ng suporta sa email na nakalista sa itaas at ipaliwanag ang sitwasyon. Makatitiyak ka, hindi ka sisingilin para sa mga biyahe na hindi mo sinakyan.
Maaari mong kanselahin ang iyong biyahe nang direkta mula sa app o sa pamamagitan ng pagtawag sa aming pangkat ng suporta sa numerong nakalista sa itaas. Tandaan, ang pagkansela sa huling minuto ay maaaring may negatibong epekto sa ibang mga mananakay, kaya mangyaring magkansela sa sandaling malaman mo na hindi mo kailangan ng masasakyan.
Kung kakanselahin mo ang isang biyahe pagkatapos maitalaga ang isang driver, maaari kang singilin ng bayad sa pagkansela maliban kung ang iyong ETA ay 5 minuto o higit pa kaysa sa naunang nakasaad. Kung kailangan mong kuwestiyunin ang bayad sa pagkansela, mangyaring magpadala ng email sa aming pangkat ng suporta sa email na nakalista sa itaas o sa app at ipaliwanag ang sitwasyon.
Mangyaring magpadala ng email sa aming pangkat ng suporta sa email na nakalista sa itaas at ilarawan ang nawawalang bagay. Gagawin namin ang aming makakaya upang hanapin ang nawawalang bagay at kung matagpuan, ipapaalam sa iyo kung saan mo ito makukuha.
Huwag mag-atubiling punan ang screen ng feedback sa pagsakay sa app pagkatapos ng iyong biyahe.
Mangyaring makipag-ugnayan sa aming pangkat ng suporta sa email o numero ng telepono na nakalista sa itaas upang mag-ulat ng reklamo. Tiyaking magsama ng maraming impormasyon hangga't maaari at gagawin namin ang aming makakaya upang makatulong.
Impormasyon sa pagbabayad
Hindi. Ang aming mga driver ay hindi tumatanggap ng mga tip.
Dagdag pa, kapag na-book ang isang biyahe, ilalagay ang isang hold sa paraan ng pagbabayad para sa buong halaga ng unang biyahe kung ito ay inaasahang higit sa $15 upang matiyak na ang singil ay hanggang sa pagtatapos ng biyahe. Gayunpaman, ang hold ay hindi isang singil. Ang singil na ito ay mananatiling nakabinbin at dapat mawala sa iyong account o statement sa loob ng 3-5 araw ng negosyo depende sa mga patakaran ng bangko/pinansyal na institusyon ng mananakay.
Upang iaplay ang promo code, mag-click sa menu sa kaliwang sulok sa itaas ng app at piliin ang ‘Promo Codes’. Maaari mo nang ilagay ang iyong promo code. Pakitandaan na ang mga partikular na promosyon ay limitado sa oras o may paghihigpit. Kung magkaroon ng error kapag sinusubukan mong iaplay ang promo code, malamang na wala na itong bisa. Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa isang partikular na promosyon, maaari kang magpadala ng email sa aming pangkat ng suporta sa email na nakalista sa itaas.
Mga pangkalahatang patakaran
Ang serbisyong ito ay pinapagana ng Via. Ang Via ay may mahigpit na patakaran na Zero Tolerance. Ang mga driver partner ay pinagbabawalang magmaneho sa Via Platform kapag nakainom ng alak o nasa ilalim ng impluwensya ng droga, at ang mga mananakay ay pinagbabawalang uminom ng alak o gumamit ng droga sa loob ng sasakyan. Hindi namin pinahihintulutan ang hindi naaangkop, pagbabanta o marahas na asal ng sinumang gumagamit ng Via Platform o sa sinumang mananakay o mga driver partner. Kung ikaw ay isang mananakay at makakita o naniniwala sa alinman sa mga sumusunod, mangyaring hilingin sa driver na ihinto kaagad ang biyahe: ang iyong driver ay maaaring nasa ilalim ng impluwensya ng droga o nakainom ng alak, ang iyong driver ay kumikilos sa paraang itinuturing mong hindi naaangkop o hindi komportable o hindi ligtas sa iyo, o ang iyong driver ay umaasal sa paraang maituturing na labag sa batas o ilegal.
Kung sa tingin mo ay may napipintong panganib sa iyo, mangyaring direktang makipag-ugnayan sa pulisya sa pamamagitan ng pagtawag sa 911. Pagkatapos ng biyahe, mangyaring magbigay ng feedback/iulat ang isyu gamit ang app, mag-email sa amin sa email address ng suporta o tumawag sa amin sa numero ng Live Support na nakalista sa itaas.
Hindi pinahihintulutan ng Via ang anumang uri ng diskriminasyon kontra sa aming mga mananakay o mga driver partner. Kabilang dito ang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, paniniwala o kaugnayang panrelihiyon, gender, kasarian, sekswal na pagkakakilanlan o oryentasyon, edad, katayuang beterano, kapansanan ng katawan o isip o iba pang kapansanan (aktwal o ipinapalagay), mga lugar kung saan umaalis o pumupunta ang mananakay, o anumang iba pang katangiang protektado sa ilalim ng naaangkop na batas ng pederal o estado. Bukod pa rito, hindi pinahihintulutan ng Via ang anumang uri ng diskriminasyon kontra sa mga katulong na hayop. Mawawalan ng access sa Via Platform ang mga mananakay o driver partner na napatunayang lumabag sa patakaran kontra sa diskriminasyon ng Via Platform. Kung naniniwala ka na dumanas ka ng diskriminasyon mula sa isang mananakay o driver partner, mangyaring magbigay ng feedback sa review function ng app o mag-email sa amin sa email ng suporta na nakalista sa itaas.
Ang paninigarilyo ng anumang uri ng mga mananakay o driver ay ipinagbabawal, kabilang ang mga e-cigarette, vaporizer, o walang usok na mga sigarilyo.
Alam namin na naglalakbay ka, ngunit mangyaring tulungan kaming panatilihing malinis at sariwa ang aming mga sasakyan at iwasang magdala ng pagkain at inumin sa aming mga sasakyan, kung maaari. Mangyaring alalahanin din na ang mabahong pagkain ay maaaring makagambala at hindi kaaya-aya para sa iyong mga kapwa pasahero. Ang lahat ng inumin ay dapat may takip at ang pag-inom ng alak o pagdadala ng mga bukas na lalagyan ng alak sa aming mga sasakyan ay hindi pinapayagan.
Mangyaring tandaan na ang iyong mga kapwa pasahero ay maaaring hindi interesado sa iyong mga pakikipag-usap sa telepono. Hinihiling namin na limitahan mo ang mga tawag sa telepono sa mabilisang lohistika at emerhensiya sa panahon ng mga pinagsasaluhang biyahe.
Ang aming mga sasakyang panserbisyo ay isang pinagsasaluhang espasyo, at dahil dito hinihiling namin sa lahat na limitahan ang anumang mga personal na bagay sa isang piraso ng bagahe o isang bag na makatwiran ang laki.
Ang mga mananakay ay dapat na 13 taong gulang o mas matanda. Maaaring sumakay ang mga batang wala pang 13 taong gulang kapag may kasamang magulang o tagapag-alaga. Hindi kami magbibigay ng mga upuang pangkotse, ngunit ang mga mananakay na naglalakbay na may kasamang mga bata na nangangailangan ng mga ito ay maaaring magdala ng sarili nilang upuan. Ang mga mananakay ay may pananagutan sa pag-secure ng anumang ganoong upuan ng kotse at para sa pagtiyak na ito ay akma sa lahat ng mga legal na pangangailangan.